Miyerkules, Hulyo 31, 2019

TALUMPATI

“Muling Pagbangon”

talumpati ni


Walter C. Manzano Jr.

  Naranasan mo na bang madapa sa napakadaming pagsubok na kinakaharap mo sa buhay? Naranasan mo na bang napahiya sa harap ng napakaraming tao? Naranasan mo na rin ba yung pakiramdam na halos wala ka ng mukhang maiharap at parang gusto mo nang tapusin ang buhay mo ngunit sa mga panahong iyon ay may taong nasa likod mo. Siya yung taong walang sawang gumagabay sayo sa lahat ng pagsubok na kinakaharap mo. Ang lahat ng naramdaman mo ay ilan lamang sa mga naramdaman niya bago ka pa isinilang ng iyong mahal na ina. Ang lahat ng pasakit ay kanyang tinanggap ng buong-buo at walang pagsisisi dahil tayo ang kanyang kahinaan. Tayo ang dahilan kung bakit siya nakapako. Tayo ang dahilan kung bakit may butas ang kanyang mga palad, tuhod at mga paa. Ikaw ay kanyang nilinis at nilitis sa mga pagkakamaling iyong nagawa sa iyong buhay. Hindi sapat ang lahat ng sakit na dinanas mo kumpara sa dinanas niya. Kaya wag kang susuko sa pakikipag laban. Hindi ka pa tapos. Hindi pa tapos ang iyong paglalakbay. Marami ka pang kailangang harapin para makarating sa iyong paroroonan. Kaya sa mga araw na ito magniolay-nilay ka. Kamustahin mo minsan ang sarili mo. Bumangon ka kapatid, wag mong hayaan na daganan ka ng maraming problema. Kailangan mo nang kumilos at simulang manalangin sa kanya sapagkat siya lamang ang makakatulong sayo. Wag mong isipin na mag-isa ka lang na lumalaban dahil marami tayo. Kaya naman mga kapatid tumayo tayo at magkaisa para harapin ang mga pagsubok ng kalaban kasama ang ating mahal na lumikha. Tandaan mo na ang pagkadapa ang magsasabing nagkamali ka ngunit ang muli mong pagbangon ang magpapatunay na matatag ka at hindi ka mahina.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento