“Ang Sakit Na Depresiyon”
Ang
depresyon ay isang uri ng seryosong sakit na nakaaapekto kung paano mag-isip at
kumilos ang isang tao. Ito ay maaaring magbunga hindi lamang ng pisikal na
mga problema kung hindi pati na rin sa emosyonal at sosyal na aspeto. Ayon sa
American Psychiatric Association, ang mga sintomas na gaya ng nabanggit sa
itaas ay maituturing na depresyon kung ito ay tumagal ng hindi bababa sa
dalawang linggo.
Ayon sa
World Health Organization, 300 milyong tao sa buong mundo ang nagdaranas ng
depresyon. Ang mga edad na nasa pagitan ng 18 hanggang 25 taong gulang ang
itinuturing na may pinakamalaking potensyal na magkaroon nito. Dahil dito,
mataas na porsyento ng mga tao ang nagpapakamatay at ito ay ika-sampu sa
pinakamataas na sanhi ng pagkamatay ng tao.
Ang
depresyon ay mayroong iba’t ibang uri. Isa na rito ang tinatawag na “seasonal
depression”. Ang depresyon na ito ay mayroong “seasonal pattern”. Sa madaling
salita, nararanasan ito ng isang tao kasabay ng pagbabago ng panahon.
Karaniwang nakararanas nito ang mga taong nasa malalamig na lugar. Ayon sa
istatistika, apat sa limang nakararanas nito ay mga kababaihan. Ang isa pang
uri ng depresyon ay tinatawag na “postpartum depression”. Ito ay karaniwan sa
mga kababaihan na nagdaan sa kalungkutan, o sobrang kapaguran sa kanilang
panganganak na nagbubunga ng hindi maayos na pag-aalaga sa kanilang mga sanggol
o sa kanilang sarili. Isa sa pitong kababaihan ang nagdaranas nito.
Ang
paggamot sa depresyon ay isang suliranin na dapat pagtuunan ng pansin. Ito ay
lubos na nakaaapekto sa buhay ng tao at nangangailangan ng labis na atensyon
sapagkat buhay na ang nakasalalay dito.
https://brainly.ph/question/1166304#readmore
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento