Lunes, Hulyo 29, 2019

ABSTRAK

KASANAYAN SA PAGBASA NG MGA MAG-AARAL SA SENIOR HIGH SCHOOL
SA DISTRITO NG JONES AT SAN AGUSTIN
Reynold B. Bartolome
Jones Rural Senior High School

Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na tiyakin ang kasanayan sa pagbasa ng mag-aaral ng Senior High School sa Distrito ng Jones at San Agustin. Isinasailalim sa pag-aaral ang 400 na mga mag-aaral sa ika-12 baitang ng Senior High School. Random sampling ang ginamit sa pagpili ng mga respondent. Ginamit ang pamamaraang palarawang korolasyunal sa pananaliksik. Batay sa isinagawang pag-aaral sa mga nagpatalang mag-aaral sa ika-12 baitang, higit na marami ang mga mag-aaral na babae kaysa sa mga lalake. Mahigit sakalahating bahagdan ng mga respondent ay gumagamit ng ilokano bilang una o katutubong wika. Higit na nakararami sa mga taga tugon ang gumagamit ng akalat bilang kinagigiliwang babasahin. Sa mga panooring pantelebisyon ay higit na kinagigiliwan ng mga respondent ang teleserye. Sa mga kagamitang panteknolohiya naman, nakararami ang gumagamit ng cellphone. Batay sa kinalabasan ng pagsusulit, kinakitaan ng average o katamtaman ang nagging performans ng mag-aaral sa wastong gamit ng salita at batayang diskors. Kung susuriin, lumilitaw na may sapat na kasanayan at kaalaman sap ag-unawa ng mga mag-aaral. Bilang mahalagang mungkahi, ginamit ang pagsusulit na gawang guro para sa mga mag-aaral bilang batayan sa pagtiyak sa kanilang kahandaan sa pag-unawa sa pagbasa. Gayundin, ang kinalabasan sa pagsusulit ay maaring maging batayang impormasyon sa mga kahusayan at kahinaan ng mga mag-aaral saantas ng pag-unawa sa paggamit ng salita at batayang diskors. At maaaring alalayan sa pagbuo/paggamit ng mga epektibong estratehiya at paggawa ng mga kagamitang panturo. Pagibayuhin pa ang kasanayang pagbabasa sa mga babasahin upang madebelop ang kasanayan sa pag-unawa ng mga mag-aaral. Maaring tiyakin ang interes ng mga mag-aaral at iangkop ang kanilang akda sa kanilang kakayahan sa pagbabasa. Ganyakin ang mga mag-aaral sa pagbabasa sa mga piling akdang pampanitikan lalo na sa mga literaturang local, e-books at internet upang lalong mapahusay ang kanilang kakayahan sa pagbasa. Iminumungkahirin na gumawa ng kaugnay nap ag-aaral tungkol naman sa ibang asignaturakatulad ng Ingles. Maaari ring magsagawa ng katulad nap ag-aaral na isasaalang-alang ang propyl ng mga magulang katulad ng propesyon, pinag-aralan at estado ng pamumuhay.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento