BIONOTE
Si Walter C. Manzano, Jr. ay ipinanganak
noong Nobyembre 11, 2001 sa barangay Malalinta, San Manuel, Isabela. Siya ay
anak nina Ginoong Walter P. Manzano, Sr. at Ginang. Arlyn C. Manzano. Si Walter
ay nag-aral sa paaralan ng Malalinta Elementary School sa at siya ay nagtapos
bilang Salutatorian sa kanilang batch taong 2014-2015 at nagkamit ng walong
medalya, dalawang ribbon kasama ang diploma na pataunay na siya ay nagtapos ng
elementarya. Sa pagtungtung niya ng secondarya ay patuloy parin siyang namayagpag
at ipinamalas ang angking galing sa ibat-ibang larangan na nagpaakyat sa
kanyang mga magulang sa taas ng entablado tuwing graduation ceremony. Isa itong
malaking karangalan para sa kanya dahil sa kabila ng kahirapan ay pinagbuti
parin niya ang kanyang pag-aaral upang pasubalian ang lahat ng paghihirap ng
kanyang mga magulang. Ang mga medalya at mga awards na kanyang nakakamit ang
pumapawi sa lahat ng pagod ng kaniyang magulang at nagbibigay ng kasiyahan,
kagalakan at lakas sa kanila upang magsipag pa para sa pag-aaral nila ng
kanyang mga kapatid. Noong Abril 03, 2020 ay natapos niya ang secondarya sa
paaralan Malalinta National High School at napasama sa mga Honors na binigyang
parangal. Sa pagtungtung niya ng kolehiyo ay hinarap niya ang ibat-ibang hamon
at pagsubok sa kaniyang buhay. Pinagsabay niya ang pag-aaral at pagtatrabaho
dahil sa kakulangan ng pinansyal para matustusan ang kanyang pag-aaral. Hindi
biro ang naging buhay niya sa kolehiyo subalit hindi siya huminto at nawalan ng
pag-asa upang harapin ang mga hamon sa kanyang pag-aaral. “Hindi
hadlang ang kahirapan sa taong may pangarap” ika niya. Kaya naman siya ay nagtapos ng kolehiyo
bilang Cumlaude sa kursong Batchelor of Science in Marine Engineering sa
paaralan ng ICAT College sa Cauayan, Isabela noong Hulyo 21, 2024. Siya na
ngayon ay nag tatrabaho bilang Marin Deck Officer o kapitan ng barko ng Asean
Pacific Philippines. Sa ngayon ay ine-enjoy niya muna ang pagtratrabaho upang
matrulungan ang kanyang mga kapatin at bigyan sila ng magandang buhay bago niya
pakasalan ang kanyang pinakamamahal na babae na itinuturing niyang “My future
wife”. Yan ang buhay ng Marine Deck Officer na si Walter C. Manzano, Jr.
Mabuhay ka!!!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento