Linggo, Agosto 4, 2019

“Ang Sakit Na Depresiyon”

                Ang depresyon ay isang uri ng seryosong sakit na nakaaapekto kung paano mag-isip at kumilos ang isang tao. Ito ay maaaring magbunga hindi lamang ng pisikal na mga problema kung hindi pati na rin sa emosyonal at sosyal na aspeto. Ayon sa American Psychiatric Association, ang mga sintomas na gaya ng nabanggit sa itaas ay maituturing na depresyon kung ito ay tumagal ng hindi bababa sa dalawang linggo.
            Ayon sa World Health Organization, 300 milyong tao sa buong mundo ang nagdaranas ng depresyon. Ang mga edad na nasa pagitan ng 18 hanggang 25 taong gulang ang itinuturing na may pinakamalaking potensyal na magkaroon nito. Dahil dito, mataas na porsyento ng mga tao ang nagpapakamatay at ito ay ika-sampu sa pinakamataas na sanhi ng pagkamatay ng tao.
            Ang depresyon ay mayroong iba’t ibang uri. Isa na rito ang tinatawag na “seasonal depression”. Ang depresyon na ito ay mayroong “seasonal pattern”. Sa madaling salita, nararanasan ito ng isang tao kasabay ng pagbabago ng panahon. Karaniwang nakararanas nito ang mga taong nasa malalamig na lugar. Ayon sa istatistika, apat sa limang nakararanas nito ay mga kababaihan. Ang isa pang uri ng depresyon ay tinatawag na “postpartum depression”. Ito ay karaniwan sa mga kababaihan na nagdaan sa kalungkutan, o sobrang kapaguran sa kanilang panganganak na nagbubunga ng hindi maayos na pag-aalaga sa kanilang mga sanggol o sa kanilang sarili. Isa sa pitong kababaihan ang nagdaranas nito.
            Ang paggamot sa depresyon ay isang suliranin na dapat pagtuunan ng pansin. Ito ay lubos na nakaaapekto sa buhay ng tao at nangangailangan ng labis na atensyon sapagkat buhay na ang nakasalalay dito.


https://brainly.ph/question/1166304#readmore


PAKIKIPANAYAM


Ano ang pangalan?
  •      Maricel P. Dulay

Ilang taon?
  • 44 taong gulang

Saan nakatira?
  •  Barangay Malalinta, San Manuel, Isabela


Ano ang pangalan ng asawa?
  •   Jesus B. Dulay

Ilan ang anak at ano ang mga pangalan?
  •  Apat ang anak sila ay sina:
  •  Jay Mark P. Dulay (Panganay)
  •  Jescel P. Dulay (Pangalawa)
  •  Jessa Mae P. Dulay (Pangatlo)
  •  Joana Marie P. Dulay (Bunso)

Saan nag-aral?
  • Elementary – Malalinta Elementary School
  • Sekondarya – La Salete of Aurora
  • Kolehiyo – University of La Salete & Isabela Collages Foundation (IC’s)

Ano ang natapos?
  •         Bachelor of Science in Business Administration Major in Management

Ano ang trabaho?
  •         Teacher III

Masaya ka ba sa iyong trabaho?
  •           Oo pero minsan hindi dahil sa dami ng aper works at mga estudyanteng walang disiplina.

Ilan ang sweldo kada buwan?
  •           PhP. 23,000

Sapat ba ito para tustusan ang mga gastusin?
  •           Hindi kulang dahil sa dami ng gastusin at mahal na ngayon ang presyo ng mga bilihin dahil sa inflation rate.

Kung hindi, ano ang ginagawang estratehiya para matustusan ang mga gastusin ng pamilya?
  •           Farming at livestock production

Bilang isang professional na guro, anoang maipapayo mo para sa mga estudyanteng gusting maging guro balang araw?
  • Para sa mga magiging guro balang araw, ang tanging maipapayo ko lang ay dapat sila ay committed sa kanilang trabaho dahil yan yung pinaka importante sa lahat. Kailangan din niyang maging flexible para magawa ng maayosang kaanilang tungkulin at trabaho. Daatay mahaba rin ang kanilang pasensya dahil sa dami ng trabaho at mga estudyanteng matitigas ang ulo at walang disiplina.


Miyerkules, Hulyo 31, 2019

TALUMPATI

“Muling Pagbangon”

talumpati ni


Walter C. Manzano Jr.

  Naranasan mo na bang madapa sa napakadaming pagsubok na kinakaharap mo sa buhay? Naranasan mo na bang napahiya sa harap ng napakaraming tao? Naranasan mo na rin ba yung pakiramdam na halos wala ka ng mukhang maiharap at parang gusto mo nang tapusin ang buhay mo ngunit sa mga panahong iyon ay may taong nasa likod mo. Siya yung taong walang sawang gumagabay sayo sa lahat ng pagsubok na kinakaharap mo. Ang lahat ng naramdaman mo ay ilan lamang sa mga naramdaman niya bago ka pa isinilang ng iyong mahal na ina. Ang lahat ng pasakit ay kanyang tinanggap ng buong-buo at walang pagsisisi dahil tayo ang kanyang kahinaan. Tayo ang dahilan kung bakit siya nakapako. Tayo ang dahilan kung bakit may butas ang kanyang mga palad, tuhod at mga paa. Ikaw ay kanyang nilinis at nilitis sa mga pagkakamaling iyong nagawa sa iyong buhay. Hindi sapat ang lahat ng sakit na dinanas mo kumpara sa dinanas niya. Kaya wag kang susuko sa pakikipag laban. Hindi ka pa tapos. Hindi pa tapos ang iyong paglalakbay. Marami ka pang kailangang harapin para makarating sa iyong paroroonan. Kaya sa mga araw na ito magniolay-nilay ka. Kamustahin mo minsan ang sarili mo. Bumangon ka kapatid, wag mong hayaan na daganan ka ng maraming problema. Kailangan mo nang kumilos at simulang manalangin sa kanya sapagkat siya lamang ang makakatulong sayo. Wag mong isipin na mag-isa ka lang na lumalaban dahil marami tayo. Kaya naman mga kapatid tumayo tayo at magkaisa para harapin ang mga pagsubok ng kalaban kasama ang ating mahal na lumikha. Tandaan mo na ang pagkadapa ang magsasabing nagkamali ka ngunit ang muli mong pagbangon ang magpapatunay na matatag ka at hindi ka mahina.

AGENDA


Mga Agenda sa GPTA Meeting sa paaralan ng
Malalinta National High School

Mga Agenda:
  1. 1.    Eleksiyon ng PTA Officers ng bawat classroom
  2. 2.    Eleksiyon ng PTA Officers ng buong Paaralan
  3. 3.    Batas ng Paaralan
  4. 4.    Mga isyu sa paaralan gaya ng sumusunod:

·         Pagmamama o pagnganganga
·         Pag susuot ng hikaw sa mga lalake
·         Pag gamit ng lip tint at eyeliner
·         Pagsusuot ng ripped jeans at decolor na damit kapag uniform days.
  1. 5.    Report sa PTA
  2. 6.    Mga kaparusahan sa bawat violations


Martes, Hulyo 30, 2019


BIONOTE


  Si Walter C. Manzano, Jr. ay ipinanganak noong Nobyembre 11, 2001 sa barangay Malalinta, San Manuel, Isabela. Siya ay anak nina Ginoong Walter P. Manzano, Sr. at Ginang. Arlyn C. Manzano. Si Walter ay nag-aral sa paaralan ng Malalinta Elementary School sa at siya ay nagtapos bilang Salutatorian sa kanilang batch taong 2014-2015 at nagkamit ng walong medalya, dalawang ribbon kasama ang diploma na pataunay na siya ay nagtapos ng elementarya. Sa pagtungtung niya ng secondarya ay patuloy parin siyang namayagpag at ipinamalas ang angking galing sa ibat-ibang larangan na nagpaakyat sa kanyang mga magulang sa taas ng entablado tuwing graduation ceremony. Isa itong malaking karangalan para sa kanya dahil sa kabila ng kahirapan ay pinagbuti parin niya ang kanyang pag-aaral upang pasubalian ang lahat ng paghihirap ng kanyang mga magulang. Ang mga medalya at mga awards na kanyang nakakamit ang pumapawi sa lahat ng pagod ng kaniyang magulang at nagbibigay ng kasiyahan, kagalakan at lakas sa kanila upang magsipag pa para sa pag-aaral nila ng kanyang mga kapatid. Noong Abril 03, 2020 ay natapos niya ang secondarya sa paaralan Malalinta National High School at napasama sa mga Honors na binigyang parangal. Sa pagtungtung niya ng kolehiyo ay hinarap niya ang ibat-ibang hamon at pagsubok sa kaniyang buhay. Pinagsabay niya ang pag-aaral at pagtatrabaho dahil sa kakulangan ng pinansyal para matustusan ang kanyang pag-aaral. Hindi biro ang naging buhay niya sa kolehiyo subalit hindi siya huminto at nawalan ng pag-asa upang harapin ang mga hamon sa kanyang pag-aaral. “Hindi hadlang ang kahirapan sa taong may pangarap” ika niya. Kaya naman siya ay nagtapos ng kolehiyo bilang Cumlaude sa kursong Batchelor of Science in Marine Engineering sa paaralan ng ICAT College sa Cauayan, Isabela noong Hulyo 21, 2024. Siya na ngayon ay nag tatrabaho bilang Marin Deck Officer o kapitan ng barko ng Asean Pacific Philippines. Sa ngayon ay ine-enjoy niya muna ang pagtratrabaho upang matrulungan ang kanyang mga kapatin at bigyan sila ng magandang buhay bago niya pakasalan ang kanyang pinakamamahal na babae na itinuturing niyang “My future wife”. Yan ang buhay ng Marine Deck Officer na si Walter C. Manzano, Jr. Mabuhay ka!!!

KATITIKAN NG PULONG

Pagpupulong ng mga studyante ng Grade-12 Newton
ng Malalinta National High School

AGENDA:
  • Eleksyon ng mga officers.
  • Pagpapanukala ng mga alituntunin sa loob ng silid aralan.
  • Pag plaplano sa mga gagawing proyekto.

ORAS NG PAGPUPULONG:
  • Hunyo 07, 2019 alas 7:15 ng umaga (First Period) at natapos ng 8:15 ng umaga.

MGA DUMALO:                                                          MGA HINDI DUMALO:
  • Sir Richard Esguerra
  • Rodolf Acosta
  • Jeff Alipio
  • Jaybee Blanza
  • John Kyle Cariaga
  • Tyrell Comesario
  • Jay Mark Dulay
  • Jestoni Gammad
  • Kim Walter Lampa
  • Fernando Lampa
  • Aeron James Manuel
  • Janmel Manzano
  • Mhartz Ceazar Manzano
  • Walter Manzano, Jr.
  • Arseio Mercado
  •       King mark Obina
  • Jay Mark Palac
  • Lester Pinto
  • Reynaldo Torres
  • Karen Candelaria
  • Rose Ann Dion
  • Lovely Esquillo
  • Jessa Gumaru
  • Kaycee Kiasao
  • Dimple Mae Manzano
  • Princess Mariano
  • Reoconsuelo Natividad
  • Divine Organista
  • Carol Joy Yra


DALOY NG PAGPUPULONG:

            Ang pagpupulong ay naganap noong Hunyo 07, 2019 oras 7;15 ng umaga sa silid aralan ng Grade-12 Newton. Pinamunuan ni Ginoong Richard Esguerra ang adviser ng Grade-12 Newton ang pagpupuplong. Bago ang lahat, nagdasal muna sila upang hingiin ang presensya ng Diyos sa na pinamunuan ni Rodel Tagao. Matapos ay binuksan n ani sir Richard ang posisyon sa pagka presidente upang mamuno sa klase at magtuloy ng eleksyon. Ang mga binoto ay sina Jeff Alipio, Walter Manzano, at Rodel Tagao. Si Rodel ang nananlo sa pagka presidente at mamamuno sa buong klase ng Grade-12 Newton. At binuksan na niya ang mga posisiyon na pwedeng takbuhan ng kanyang mga kaklase. Nanalo si Walter Manzano bilang Vice President, Carol Joy Yra bilang Secretary, Reoconsuelo Natividad bilang treasurer o ingat yaman, Micheal Pera bilang auditor, Kim Walter Lampa bilang public information officer (P.I.O), Jay Mark Palac bilang peace officer (P.O) at sian Reynaldo tores at Jeff Alipio naman para sa posisyong business manager.
            Matapos makumpleto ang mga officer ng classroom ay sinimulan na ni ginoong Richard Esguerra ang pag-uusap tungkol sa mga ipapatupad na mga batas at alitun-tunin sa loob ng silid aralan. Inuna nilang pag-usapan ang Tardines o labis na pagpasok ng huli sa oras. Napagplanuhan na ang mga taga Malalinta ay papasok ng 6:50 ng umaga kahit na 7:00 o’clock ang time of entrance ng school samantalang 7:00 o’clock naman para sa mga malalayong lugar katulad ng Mararigue, Tagumpay, at Tadian. Ang lalabag sa panukalang ito ay magbabayad ng 10 pesos at doble naman para sa mga classroom officers na mapupunta sa pondo ng klase. Pangalawa ay ang hindi paglilinis sa mga areas. Ang hindi maglilinis sa kanilang area ay mamarkahan ng ekis (X) at magbabayad ng 10 pesos na mapupunta ulit sa pondo ng klase. Panghuli ay ang pagdadala ng cellphones kapag hindi kailangan. Sa unang pagkakataon ng paglabag sa alituntuning ito ay kukunin ng SSG at ibibigay sa SSG Adviser at depende sa kanya kung valid ang rason ng lumabag para ibigay ito sa kanya. Sa pangalawang pagkakataon ng paglabag ay iba-band ang pagdadala niya ng cellphone at papipirmahin sa anecdotal record. Sa pangatlong at panghuling paglabag ay kokolektahin na ito at makukuha mo nalang sa graduation.
            Ang huling adyenda ng pagpupulong ay ang pagpa-plano ng mga proyekto na gagawin. Napag-usapan na ang bawat indibidwal ay magdadala ng basahan at San Francisco na halaman para itanim sa harap ng school na isa sa mga areas ng baiting-12 at para maging kaaya-aya ang hareapan ng Malalinta National High School. Ang idineklarang deadline ng pagdadala ay sa Hunyo 11, 2019 ng umaga. Ang mga walang maidadala ay hindi magklaklase sa hawak na subject ni sir Richard at mamarkahan bilang absent sa buong araw. Natapos ang pagpupulong ng eksaktong 8:15 ng umaga.

SYNTESIS

“Ang Sakit Na Depresiyon”

                Ang depresyon ay isang uri ng seryosong sakit na nakaaapekto kung paano mag-isip at kumilos ang isang tao. Ito ay maaaring magbunga hindi lamang ng pisikal na mga problema kung hindi pati na rin sa emosyonal at sosyal na aspeto. Ayon sa American Psychiatric Association, ang mga sintomas na gaya ng nabanggit sa itaas ay maituturing na depresyon kung ito ay tumagal ng hindi bababa sa dalawang linggo.
            Ayon sa World Health Organization, 300 milyong tao sa buong mundo ang nagdaranas ng depresyon. Ang mga edad na nasa pagitan ng 18 hanggang 25 taong gulang ang itinuturing na may pinakamalaking potensyal na magkaroon nito. Dahil dito, mataas na porsyento ng mga tao ang nagpapakamatay at ito ay ika-sampu sa pinakamataas na sanhi ng pagkamatay ng tao.
            Ang depresyon ay mayroong iba’t ibang uri. Isa na rito ang tinatawag na “seasonal depression”. Ang depresyon na ito ay mayroong “seasonal pattern”. Sa madaling salita, nararanasan ito ng isang tao kasabay ng pagbabago ng panahon. Karaniwang nakararanas nito ang mga taong nasa malalamig na lugar. Ayon sa istatistika, apat sa limang nakararanas nito ay mga kababaihan. Ang isa pang uri ng depresyon ay tinatawag na “postpartum depression”. Ito ay karaniwan sa mga kababaihan na nagdaan sa kalungkutan, o sobrang kapaguran sa kanilang panganganak na nagbubunga ng hindi maayos na pag-aalaga sa kanilang mga sanggol o sa kanilang sarili. Isa sa pitong kababaihan ang nagdaranas nito.
            Ang paggamot sa depresyon ay isang suliranin na dapat pagtuunan ng pansin. Ito ay lubos na nakaaapekto sa buhay ng tao at nangangailangan ng labis na atensyon sapagkat buhay na ang nakasalalay dito.


https://brainly.ph/question/1166304#readmore