Linggo, Agosto 4, 2019

“Ang Sakit Na Depresiyon”

                Ang depresyon ay isang uri ng seryosong sakit na nakaaapekto kung paano mag-isip at kumilos ang isang tao. Ito ay maaaring magbunga hindi lamang ng pisikal na mga problema kung hindi pati na rin sa emosyonal at sosyal na aspeto. Ayon sa American Psychiatric Association, ang mga sintomas na gaya ng nabanggit sa itaas ay maituturing na depresyon kung ito ay tumagal ng hindi bababa sa dalawang linggo.
            Ayon sa World Health Organization, 300 milyong tao sa buong mundo ang nagdaranas ng depresyon. Ang mga edad na nasa pagitan ng 18 hanggang 25 taong gulang ang itinuturing na may pinakamalaking potensyal na magkaroon nito. Dahil dito, mataas na porsyento ng mga tao ang nagpapakamatay at ito ay ika-sampu sa pinakamataas na sanhi ng pagkamatay ng tao.
            Ang depresyon ay mayroong iba’t ibang uri. Isa na rito ang tinatawag na “seasonal depression”. Ang depresyon na ito ay mayroong “seasonal pattern”. Sa madaling salita, nararanasan ito ng isang tao kasabay ng pagbabago ng panahon. Karaniwang nakararanas nito ang mga taong nasa malalamig na lugar. Ayon sa istatistika, apat sa limang nakararanas nito ay mga kababaihan. Ang isa pang uri ng depresyon ay tinatawag na “postpartum depression”. Ito ay karaniwan sa mga kababaihan na nagdaan sa kalungkutan, o sobrang kapaguran sa kanilang panganganak na nagbubunga ng hindi maayos na pag-aalaga sa kanilang mga sanggol o sa kanilang sarili. Isa sa pitong kababaihan ang nagdaranas nito.
            Ang paggamot sa depresyon ay isang suliranin na dapat pagtuunan ng pansin. Ito ay lubos na nakaaapekto sa buhay ng tao at nangangailangan ng labis na atensyon sapagkat buhay na ang nakasalalay dito.


https://brainly.ph/question/1166304#readmore


PAKIKIPANAYAM


Ano ang pangalan?
  •      Maricel P. Dulay

Ilang taon?
  • 44 taong gulang

Saan nakatira?
  •  Barangay Malalinta, San Manuel, Isabela


Ano ang pangalan ng asawa?
  •   Jesus B. Dulay

Ilan ang anak at ano ang mga pangalan?
  •  Apat ang anak sila ay sina:
  •  Jay Mark P. Dulay (Panganay)
  •  Jescel P. Dulay (Pangalawa)
  •  Jessa Mae P. Dulay (Pangatlo)
  •  Joana Marie P. Dulay (Bunso)

Saan nag-aral?
  • Elementary – Malalinta Elementary School
  • Sekondarya – La Salete of Aurora
  • Kolehiyo – University of La Salete & Isabela Collages Foundation (IC’s)

Ano ang natapos?
  •         Bachelor of Science in Business Administration Major in Management

Ano ang trabaho?
  •         Teacher III

Masaya ka ba sa iyong trabaho?
  •           Oo pero minsan hindi dahil sa dami ng aper works at mga estudyanteng walang disiplina.

Ilan ang sweldo kada buwan?
  •           PhP. 23,000

Sapat ba ito para tustusan ang mga gastusin?
  •           Hindi kulang dahil sa dami ng gastusin at mahal na ngayon ang presyo ng mga bilihin dahil sa inflation rate.

Kung hindi, ano ang ginagawang estratehiya para matustusan ang mga gastusin ng pamilya?
  •           Farming at livestock production

Bilang isang professional na guro, anoang maipapayo mo para sa mga estudyanteng gusting maging guro balang araw?
  • Para sa mga magiging guro balang araw, ang tanging maipapayo ko lang ay dapat sila ay committed sa kanilang trabaho dahil yan yung pinaka importante sa lahat. Kailangan din niyang maging flexible para magawa ng maayosang kaanilang tungkulin at trabaho. Daatay mahaba rin ang kanilang pasensya dahil sa dami ng trabaho at mga estudyanteng matitigas ang ulo at walang disiplina.